Home HOME BANNER STORY Paglago ng ekonomiya ng Pinas, kumupad sa 2.3% sa Q2 ng 2026

Paglago ng ekonomiya ng Pinas, kumupad sa 2.3% sa Q2 ng 2026

1
0

MANILA, Philippines — Bumagal sa 2.3 porsiyento ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas noong ikalawang quarter ng 2026, ang pinakamababang antas mula noong COVID-19 pandemic, ayon sa Philippine Statistics Authority nitong Biyernes.

Pinanatili rin ng PSA sa 2.8 porsiyento ang naunang growth figure para sa unang quarter.

Patuloy na bumagal ang paglago ng ekonomiya mula noong nakaraang taon matapos maantala ang paggasta ng pamahalaan dahil sa isang corruption scandal.

Lalo ring nagpahina sa ekonomiya ngayong taon ang pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin bunsod ng kaguluhan sa Middle East.

Noong Hunyo, ibinaba ng Development Budget Coordination Committee sa 3.5 hanggang 4.5 porsiyento ang growth target ng bansa para sa 2026.

Nagbawas din ng growth forecasts para sa Pilipinas ang Asian Development Bank at International Monetary Fund. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here