Home METRO Bigtime tulak, timbog sa P3.4M tobats

Bigtime tulak, timbog sa P3.4M tobats

4
0

BULACAN — Timbog sa mga awtoridad ang isang bigtime drug suspect at nasabat sa suspek ang tinatayang P3.4 milyong halaga ng shabu matapos masakote ito sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose del Monte City.

Kinilala ng PDEA ang nadakip na suspek na si alyas “Tol,” nasa wastong gulang at residente ng karatig-lugar sa Caloocan City.

Ayon sa PDEA, inabot ng ilang buwan ang surveillance sa suspek hinggil sa ilegal nitong gawain, kung saan nang magpositibo, ikinasa ang operasyon.

Narekober sa suspek ang nasa 500 grams ng suspected shabu na may standard drug price na P3,400,000 at marked money na ginamit sa buy-bust.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Roel Tarayao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here