MANILA, Philippines – Ligtas at walang nasaktan sa walong Pilipinong guro matapos ang madugong pamamaril sa Debsirin Nonthaburi School sa Nonthaburi province, hilaga ng Bangkok, Thailand nitong Biyernes.
“All 8 Filipino teachers in Debsirin School Nonthaburi are safe, no injuries. They are in the designated safe zone,” pahayag ni Philippine Ambassador Millicent Cruz-Paredes.
Ayon sa national police ng Thailand, unang binaril at napatay ng teenage suspect ang kanyang mga lolo’t lola gamit ang baril ng kanyang lolo bago nagtungo sa secondary school at pinatay ang tatlong guro at tatlong estudyante.
Kinilala ang suspek bilang estudyante rin ng paaralan at kalauna’y iniulat na patay. Magkakaiba naman ang ulat hinggil sa kanyang pagkamatay, dahil may mga ulat na napatay siya ng mga pulis habang ang iba ay nagsabing nagpakamatay ang suspek.
“I was afraid that I would die, and I was scared that I wouldn’t be able to pursue my dreams,” pahayag ni Pawarisa Maylissa, isang Grade 12 student na nangangarap makapag-aral sa medical school.
“I heard many gunshots very loudly because it seemed the suspect was on the floor directly above us. I could even hear bullets hitting the floor.”
Sinabi ni Deputy Interior Minister Polapee Suwunchwee na 15 estudyante ang nasugatan habang tumatakas mula sa paaralan, ngunit wala sa kanila ang tinamaan ng bala.
“It’s such a terrible incident. It should never have happened. How could this happen in our country?” pahayag ni Prime Minister Anutin Charnvirakul sa mga reporter sa Government House sa Bangkok.
Kabilang ang Thailand sa mga bansang may pinakamataas na gun ownership rate sa rehiyon, kung saan tinatayang nasa 10 milyong baril ang umiikot o katumbas ng halos isang baril sa bawat pitong residente. Sa kabila ng mga naunang pangakong higpitan ang gun laws, patuloy na nakapagtatala ang bansa ng mga insidente ng pamamaril. RNT