Manila, Philippines – Sa isang panayam kay Nadine Lustre, sinabi niya na marami na siyang leksyon na natutunan pagdating sa pag-ibig.
Kaya naman, mataas na raw ang standards niya sa usapin ng mga puso.
Sa interview naman kay James Reid sa isang YT channel, inamin niya ang tungkol sa pinagdaanang pagsubok sa negosyo nang ma-scam siya ng kanyang business partner.
Hirit pa niya, nalagpasan daw niya ang kanyang patong-patong na mga problema sa tulong ng dyowang si Issa Pressman na hindi siya iniwan.
Ni-repost naman ng beauty queen-actress na si Michelle Dee sa X ang isang artikulo tungkol sa emotional journey ni James at ang kreditong ibinigay nito sa girlfriend.
May caption pa itong: “Note to standards.”
Nag-react naman ang kibitzers nang mapag-usapan ang isyu sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.
Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.
“Pa-shade ba ito kay Nadine.”
“What would you expect? Michelle and Issa are friends.”
“So kinampihan si Issa. Hahaha.”
“Puri pa more kay Issa.”
“Sawsaw pa more.”
“Mas mataas daw standards ni Issa kesa Nadine.”
“Noteworthy daw si Issa dahil hindi niya iniwan si James through thick and thin.”
“Naku, maba-bash siya ng fans ni Nadine.” Archie Liao