Home METRO Pulis nalunod sa pagsagip sa kasamahan sa ilog sa NegOcc

Pulis nalunod sa pagsagip sa kasamahan sa ilog sa NegOcc

3
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Nasawi ang isang 40-anyos na pulis matapos malunod habang inililigtas ang kanyang mga kasamahan sa isang ilog sa Sitio Bisang, Barangay Luna, Cadiz City, Negros Occidental noong Biyernes, Agosto 7.

Kinilala ang biktima na si Police Master Sgt. Fernando Marfa, na nakatalaga sa Cadiz City Police Station.

Ayon sa pulisya, nagpapatrolya si Marfa kasama ang Bantay Dagat nang pasukin ng tubig ang kanilang motorboat dahil sa malakas na ulan. Tinangay ng malakas na agos ang kanyang mga kasamahan, kaya sinubukan niya silang sagipin.

Gayunman, hindi kinaya ni Marfa ang lakas ng agos at nalunod. Narekober ang kanyang katawan mula sa ilog at idineklarang dead on arrival sa ospital. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here