BULACAN, Philippines – Nilagdaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Bulacan State University (BulSU) ang isang kasunduan upang palakasin ang teknikal na kaalaman at pagsasanay sa larangan ng aviation.
Isinagawa ang paglagda sa Civil Aviation Training Center (CATC), ang pangunahing sentro ng pagsasanay ng CAAP para sa mga kursong pang-aviation na naglalayong tiyakin ang kaligtasan at kahusayan ng industriya.
Ayon kay CAAP Director General Raul del Rosario, layunin ng kasunduan na mapaunlad ang sektor ng aviation at maihanda ang susunod na henerasyon ng mga propesyonal sa larangang ito.
Sa ilalim ng kasunduan, isasama ng BulSU ang mga kasanayang kailangan sa industriya sa kanilang mga programang pang-akademiko upang mabigyan ang mga estudyante ng mas maraming oportunidad na makapagtrabaho sa aviation sector.
Sinabi ng CAAP na ang partnership na ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap na makabuo ng mahuhusay at globally competitive na aviation workforce sa Pilipinas. RNT/MDS