Home NATIONWIDE 10 ‘maleta boys,’ arestado sa kasong perjury

10 ‘maleta boys,’ arestado sa kasong perjury

3
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang 10 sa 18 umano’y bagmen ni dating kongresista Zaldy Co, na tinatawag na “maleta boys,” matapos silang mabigong makapagpiyansa sa apat na kasong perjury noong Biyernes.

Bawat isa sa kanila ay may inirekomendang piyansang ₱18,000 bawat kaso, ayon sa warrant na inilabas ni Judge Kathryn Sabado ng Las Piñas City Regional Trial Court. Dinala sila sa ospital para sa medical examination bago inilagay sa custodial facility ng Las Piñas City Police Station.

Tatlo sa kanilang kasamahan ang nakapagpiyansa, habang ang isa ay nasa probinsiya dahil sa pagkamatay ng isang kamag-anak. Samantala, apat na iba pa ang nagbawi ng kanilang mga naunang pahayag na nag-uugnay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dating House Speaker Martin Romualdez, at iba pang opisyal ng gobyerno sa umano’y kickback sa mga flood control project.

Ayon sa kanilang abogado na si Atty. Levito Baligod, sinubukan nilang magpiyansa ngunit hindi umano ito naproseso ng korte dahil sa mga “artificial requirements” na aniya’y hindi naman kailangan sa ilalim ng umiiral na mga tuntunin.

Sinabi ni Baligod na muli nilang susubukang magpiyansa sa Lunes at patuloy na hahanapan ng legal na remedyo ang naging proseso. Itinanggi rin niyang kumita siya mula sa paggawa ng mga affidavit ng kanyang mga kliyente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here