Home METRO Suspek sa pamamaril sa Pampanga, arestado

Suspek sa pamamaril sa Pampanga, arestado

1
0

PAMPANGA, Philippines – Bunsod ng ikinasang hot pursuit operation ng pulisya sa loob ng 24 oras. Nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa isang shooting incident sa Mabalacat City.

Nasukol at naaresto sa pagtugis ng mga pulis ang suspek na papatakas na isang bus terminal sa Pasay City.

Natunton ang suspek sa isinagawang CCTV backtracking at masusing imbestigasyon at ikinasang follow up operation ng pulisya.

Mag-aalas 8:00 ng gabi nitong Miyerkules ng maganap ang insidente ng krimen sa harap ng bahay ng biktimang isang 27 anyos na lalaki na namatay sa pamamaril.

Sa inisyal na imbestigasyon, binaril ng suspek ang biktima na mabilis tumakas matapos ang pamamaril.

Inaalam pa nang pulisya ang motibo sa krimen, habang nasa kustodiya na nang pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong pagpatay. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here