Home METRO 4 arestado sa drug den na ni-raid ng PDEA, Pulisya

4 arestado sa drug den na ni-raid ng PDEA, Pulisya

1
0

PAMPANGA, Philippines – Apat (4) na drug suspek ang arestado habang winasak ng mga awtoridad ang magkasanib pwersang sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP na isang makeshift drug den sa Barangay Dapdap, Mabalacat City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jay”, 42 (Drug den operator), “Ton-ton”, 37, “Rico”, 18 at “Otep”, 25 anyos, na pawang mga residente sa naturang lugar.

Narekober sa mga suspek ang nasa walong gramo (8 grams) ng hinihinalang shabu na may standard price na higit P54,000, drug paraphernalia at marked money na ginamit sa buybust.

Mahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here