Home METRO 4 arestado sa drug den sa Nueva Vizcaya

4 arestado sa drug den sa Nueva Vizcaya

3
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya -Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto matapos mabuwag ng mga otoridad ang isang drug den sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario Castro, ng PDEA Region 02 ay agad na na tumalima sa operasyon na pinangunahan ng PDEA Nueva Vizcaya Provincial Office katuwang ang PNP Drug Enforcement Group–Special Operations Unit 2, nakumpiska ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 8 gramo at may tinatayang standard drug price na ₱54,400.00.

Narekober din sa mga suspek ang buy-bust money, isang cellular phone, at iba’t ibang drug paraphernalia na ginagamit umano sa operasyon ng drug den.

Nahaharap ang apat na naarestong suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here