Home METRO Ambuklao, Binga Dam nagpakawala ng tubig

Ambuklao, Binga Dam nagpakawala ng tubig

3
0

BENGUET, Philippines – Nagbukas ng apat na gate ang Ambuklao Dam at Binga Dam sa Benguet nitong Sabado ng umaga upang magpakawala ng tubig habang patuloy ang malakas na pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, bandang 8:00 a.m. ay binuksan ang apat na gate ng Ambuklao Dam sa taas na 2.0 metro, na naglalabas ng 281.20 cubic meters per second (cms) na tubig.

Binuksan din ang apat na gate ng Binga Dam sa taas na 2.0 metro, na may paglalabas na 317.53 cms na tubig.

Patuloy na nakaaapekto ang Habagat o Southwest Monsoon sa Luzon at Visayas. Inaasahan ang monsoon rains sa Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan, habang makakaranas ng paminsan-minsang pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos Region, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro, at Antique. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here