MANILA, Philippines – Pinuri ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Sabado si Filipina tennis sensation Alex Eala bilang pinakabago at pinakabatang pambansang bayani ng bansa matapos nitong talunin si Caty McNally sa Canadian Open sa kabila ng pinsala sa kanang paa.
“Make way for our newest and youngest national hero – Alex Eala!” ani Lacson sa kanyang X account, matapos malampasan ni Eala ang injury para ituloy ang kanyang winning streak. https://x.com/iampinglacson/status/208594400150570225
Noong Sabado (oras sa Maynila), nasaktan ang kanang paa ni Eala sa kanyang laban kay McNally sa Round of 32 sa Toronto, ngunit ipinakita niya muli ang never-say-die spirit na naging tatak ng kanyang makasaysayang kampanya nitong mga nakaraang linggo.
Dahil sa kanyang panalo, umabante si Eala sa Round of 16 ng Canadian Open.
Nitong Martes, pinasalamatan ni Lacson si Eala sa pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas matapos niyang makuha ang women’s singles title sa Mubadala DC Open sa pamamagitan ng kanyang panalo laban kay Jessica Pegula sa final na naantala dahil sa ulan. Si Eala ang naging kauna-unahang Pilipinong tennis player na nanalo ng singles title sa WTA Tour.
Sinabi ni Lacson na kabilang siya sa maraming Pilipinong nagpuyat upang subaybayan ang mga update sa laban.
“Thank you Alex Eala for bringing honor and pride to our country, kahit pinuyat mo kaming mga Pinoy dito sa Pilipinas kagabi. Nakalimutan ko, may impeachment trial pala kami this morning,” aniya sa X, na may kasamang biro sa huling bahagi. Ernie Reyes