Home METRO Binatang tulak ng droga sa halagang P102K, huli

Binatang tulak ng droga sa halagang P102K, huli

1
0

CAUAYAN CITY, Isabela – Bumagsak na sa kamay ng alagad ng batas ang PNP watch-listed High Value Individual (HVI) matapos sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay nahuli ang suspek na si alyas “Jo”, 26 anyos, binata, mekaniko, at residente ng Brgy. 4, San Mateo, Isabela.

Ang operasyon ay pinangunahan ng PNP DEG-SOU2 katuwang ang PDEA Isabela Provincial Office, Regional Intelligence Unit, Provincial Intelligence Team Isabela West, at Cauayan Component City Police Station.

Nakumpiska sa operasyon ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na humigit-kumulang 15 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na PHP102,000.00.

Narekober din ang marked money na binubuo ng isang tunay na PHP1,000 bill na nakapatong sa limampu’t tatlong pekeng PHP1,000 bills, isang itim na Realme cellular phone, isang itim na Rusi motorcycle na may susi at improvised plate number, at isang bakanteng kaha ng sigarilyong Marvel na ginamit bilang taguan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here