Home ENTERTAINMENT I’mPerfect, pasok sa 27th Lucania Filmfest sa Italy!

I’mPerfect, pasok sa 27th Lucania Filmfest sa Italy!

2
0

Pisticci, Italy – Kasalukuyang nasa Italy ang mga bumubuo ng award-winning 51st MMFF entry ng Nathan Studios na I’mPerfect.

Dumalo sila sa 27th Lucania Film Festival bilang kinatawan ng bansa.

From August 2 hanggang 5 ang naturang event na idinaos sa Pisticci, Italy.

Nasa social media ang ilang larawan ng nasabing delegado sa kanilang pagdating doon.

Ang mga tampok sa nasabing pelikula’y mga Filipino actors na may Down Syndrome–sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa ilalim ng direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo ang I’mPerfect prodyus ng pamilya ni Sylvia Sanchez.

Ipinapaabot nito ang mensahe tungkol sa kahalagahan ng inclusivity sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing papel sa mga artistang may Down Syndrome.

Isa ito sa mga maraming awards na nasungkit sa MMFF 2025–kabilang na ang Best Picture at iba pa.

Ang Nathan Studios ay kilala sa paggawa ng mga de-kalidad na pelikula at film distributor din. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here