MANILA, Philippines – Inilikas ang 22 pamilya o 78 katao mula sa Barangay San Juan, Samal, Bataan dahil sa hanggang apat na talampakang baha dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Ayon kay Municipal Administrator Jay Sammy Lat ay agad na ipinadala ang mga opisyal ng barangay at mga volunteer mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office upang tulungan ang mga residente mula sa flood-prone farming community.
Hinimok ang mga residente na lumikas na dahil sa patuloy na pagtaas ng baha.
Nakaabang din ang lokal na pamahalaan at social worker sa pagbibigay ng tulong sa mga evacuees. RNT/JGC