Home NATIONWIDE Speech sa SONA tinapyasan ni PBBM para ‘di sobrang haba

Speech sa SONA tinapyasan ni PBBM para ‘di sobrang haba

1
0

MANILA, Philippines – Kailangan umanong alisin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang topic sa kanyang ikalimang Nation Address (SONA)upang hindi maging sobrang mahaba ang kanyang speech.

Sa vlog na inilabas nitong Sabado, Agosto 8, binalikan ni Marcos ang kanyang naging speech sa SONA at ibinahagi kung paano niya ito isinulat at inihanda.

“Marami kaming nailagay na, kailangan na namin hindi na maisama dahil masyado nang mahaba. Kaya’t, ah, abangan na lang ninyo sa susunod na SONA,” ani Marcos.

Ang pag-draft ng speech ay nagsisimula ilang linggo bago ito maihatid sa Kongreso.

Ani Marcos, isinulat niya ang una at huling bahagi ng kanyang speech, habang ang kanyang team ang nag-research at nagsuplay ng mga kailangang detalye, statistics, events at iba pa.

Dagdag pa niya, maging sa huling sandali ay nagkaroon pa ng fine-tuning.

“At ang katotohanan nu’ng lumabas na ‘yung speech ko, mayroon pa rin akong binago habang ako nagsasalita. Kaya ‘pag basta’t may naisip ako na mas maganda ang pwedeng pagkasabi eh ‘yun ang aking ginagawa,” sinabi ni Marcos.

Sa vlog, binasa naman ni Marcos ang mga liham mula sa ilang indibidwal na humihiling na sana ay naisama niya ang ilang usapin sa kanyang SONA.

Iginiit niya na bagamat hindi ito naisama sa SONA ay hindi nangangahulugan na hindi ito importante. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here