MANILA, Philippines – Suspendido ang expanded number coding scheme sa National Capital Region ngayong Lunes, Agosto 10, 2026 dahil sa Habagat, ayon sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
“Paalala ng MMDA: Planuhin ang biyahe, mag-ingat sa pagmamaneho at manatiling nakatutok sa mahahalagang impormasyon kaugnay sa lagay ng panahon,” sinabi ng ahensya.
Suspendido rin ang sariling number coding scheme ng Makati. RNT/JGC