ORIENTAL MINDORO, Philippines – Nanatiling hindi madaanan ang ilang kalsada sa tatlong barangay sa Calapan City, Oriental Mindoro dahil sa patuloy na pagbaha dulot ng masamang panahon.
Ayon sa pinakahuling road update ng pamahalaang lungsod, apektado ang Barangay Maidlang, Navotas, at Gutad.
Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga motorista na iwasan ang mga binahang kalsada at gumamit ng alternatibong ruta para sa kanilang kaligtasan.
Hinimok din ang mga residente at motorista na manatiling alerto at subaybayan ang mga susunod na abiso, dahil patuloy na naaapektuhan ng masamang panahon ang kondisyon ng mga kalsada sa lungsod. RNT/MDS