Home METRO La Mesa Dam malapit nang mag-overflow; posibleng pagbaha, ibinabala

La Mesa Dam malapit nang mag-overflow; posibleng pagbaha, ibinabala

3
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar sa kahabaan ng Tullahan River habang malapit nang umabot sa spilling level ang La Mesa Dam sa Quezon City ngayong Lunes, Agosto 10.

Ayon sa PAGASA, umabot sa 80.11 metro ang water level ng dam bandang 11:00 a.m., o 0.04 metro na lamang bago maabot ang 80.15 metrong overflow spilling level.

Kapag umabot sa spilling level ang dam, inaasahang maaapektuhan ang mga mabababang lugar sa kahabaan ng Tullahan River, kabilang ang mga bahagi ng Quezon City (Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway, Sta. Quiteria, at San Bartolome), Caloocan City, Valenzuela (North Expressway at La Huerta Subdivision), Malabon, at Navotas.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog, na manatiling alerto at maghanda sa posibleng flash flood. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here