Home TOP STORIES Ilang katao sugatan sa pamamaril sa Denmark

Ilang katao sugatan sa pamamaril sa Denmark

3
0

HOLBAEK, Denmark – Ilang katao ang nasugatan sa pamamaril noong Linggo sa Holbaek, Denmark, na nasa humigit-kumulang 70 kilometro mula Copenhagen.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 3:45 p.m. at pinaniniwalaang may kaugnayan ito sa paghihiganti o pag-aayos ng alitan sa pagitan ng mga kriminal.

Sinabi ng pulisya na maraming tao ang tinamaan ng bala, ngunit hindi pa nila maibigay ang kalagayan ng mga biktima.

Batay sa paunang impormasyon, tumakas ang mga suspek sakay ng isang puting sasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon at hinihikayat ng pulisya ang sinumang may impormasyon tungkol sa insidente na makipag-ugnayan sa mga awtoridad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here