MANILA, Philippines – Isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa pangunguna ni Secretary Kim Robert De Leon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw ng Lunes, Agosto 10, 2026 ang P7.2 Trillion National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2027.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nakatuon ang budget sa edukasyon,, kalusugan, kabuhayan, seguridad at pagpapalakas ng mga komunidad.
Alinsunod aniya ito sa tema na “Peoples centered growth for an inclusive and resilient future”.
Layunin nitong gawing mas kapaki- pakinabang ang bawat pisong pampublikong pondo sa pamamagitan ng mas mahusay na serbisyo at mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
Samantala, bukas, Agosto 11 ay pormal nang isusumite ang NEP sa Kongreso bilang susunod na hakbang sa proseso ng pambansang budget. (KRIS JOSE)