Home METRO Kelot arestado sa pananakot gamit laruang baril sa Maguindanao del Norte

Kelot arestado sa pananakot gamit laruang baril sa Maguindanao del Norte

3
0

MAGUINDANAO DEL NORTE, Philippines – Inaresto ng Philippine Marines ang isang 36-anyos na lalaki noong Linggo ng hapon matapos umano niyang takutin at pagbantaan ng pamamaril ang isang jeepney driver sa Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ayon sa pulisya, nakaupo ang suspek na si alyas “Piang” sa unahan ng jeep nang bumunot siya ng baril matapos siyang singilin ng pamasahe bandang 5:00 p.m.

Agad siyang sinuntok ng driver at mabilis na pinatakbo ang jeep papunta sa checkpoint ng Philippine Marines upang humingi ng tulong.

Tatlong Marino ang nag-utos sa suspek na isuko ang kanyang baril at bumaba ng sasakyan. Sumunod naman siya at agad na inaresto at ipinasa sa pulisya.

Nang siyasatin, lumabas na ang baril ay isang toy gun lamang.

Inamin ni Piang na tinakot lamang niya ang driver dahil wala siyang pambayad ng pamasahe.

Hindi na nagsampa ng kaso ang jeepney driver kaya pinalaya rin ang suspek. Hindi rin siya kinasuhan sa paglabag sa election gun ban sa Bangsamoro dahil **laruang baril lamang ang kanyang dala. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here