Home NATIONWIDE Galit ng publiko sa flood control scam, di huhupa hangga’t walang naipakukulong...

Galit ng publiko sa flood control scam, di huhupa hangga’t walang naipakukulong pa – Lacson

3
0

MANILA, Philippines – Hanggang hindi nakikita ng taumbayan na makukulong ang tunay na utak at pagbabalik ang nakulimbat na pondo, hindi mawawala ang galit sa isyu ng flood control, giit ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Lunes.

Sinabi ni Lacson na muling nag-ibayo ang galit ng publiko sa isyu kasunod ng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa nitong weekend matapos ang malalakas na pag-ulan dulot hg bagyo at Habagat.

“The flood control issue will not go away easily. After a heavy downpour leaves flooded streets and yards, people will not be short on words in cursing politicians, Department of Public Works and Highways officials and contractors – unless, and this is probably – genuine retribution and restitution become the order of the day no matter who were involved,” aniya sa isang post sa X.

Mula noong nakaraang linggo, nakaapekto ang malalakas na habagat sa ilang bahagi ng bansa, na nagbunsod sa suspensyon ng klase at trabaho. Libu-libong pamilya ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan dahil sa pagbaha.

Sa dalawang privilege speech noong Agosto at Setyembre 2025, idinetalye ni Lacson ang lawak ng korapsyon sa likod ng mga maanomalyang flood control project sa Bulacan at Mindoro, bukod sa iba pang lugar.

Pinamunuan din niya ang mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa isyu, kung saan nakatulong ang mga ebidensyang nakalap sa pagbuo ng mga kaso laban sa mga sangkot.

Ngayong taon, isinumite nina Lacson at ng kanyang team sa Ombudsman ang mga ebidensyang may kaugnayan sa mga maanomalyang flood control project sa Taguig City.

Sinabi ni Lacson na kung hindi dahil sa Blue Ribbon probe sa ilalim ng kanyang pamumuno – kasama ang determinasyon at katatagan ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla at mga pagsisikap ng media at netizens na panatilihing buhay ang galit ng publiko sa isyu – “I don’t know how the government can even claim whatever accomplishments we have at the moment, or one year after President Ferdinand Marcos Jr.’s 2025 SONA ‘Mahiya naman kayo’ remark.”  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here