PAMPANGA, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BoC) Port of Clark at Clark Interagency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID) ang nasa higit P11-Milyon halaga ng suspected shabu na isikniksik umano sa kargamento na idineklarang spareparts na dumating sa Clark Freeport Zone.
Nadiskubre ng mga awtoridad ang mga kontrabando matapos isailalim sa X-Ray Inspection at sa tulong ng K9 Sniff test (Dog), kung saan nagpositibo at agad isinalang sa physical examination.
Sa ekminasyon, tumambad ang 17 plastic packages ng suspected shabu na isikniksik umano sa mga spareparts (2 Pistons & 1 Tensioner Kit) ng sasakyan.
Nakuha sa kargamento ang nasa 1,706 grams ng suspected shabu na may standard drug price na higit P11.6 Milyon.
Dumating ang shipment mula sa South Africa patungo ng Angeles City, Pampanga.
Nag-issue ang BoC ng Warrant of Seizure and Detention laban kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)







