Home HOME BANNER STORY Pagpapatupad ng wage order, pinaigting ng DOLE

Pagpapatupad ng wage order, pinaigting ng DOLE

8
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Labor and Employment ng Administrative Order No. 264, Series of 2026, na nagtatakda ng mga alituntunin para sa pagpapatupad, monitoring, enforcement, at exemption sa mga Wage Order.

Kabilang sa mga hakbang ang patuloy na pagsubaybay sa compliance, mas pinaigting na koordinasyon ng NWPC, RTWPBs, at DOLE Regional Offices, at special exemption mechanism para sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Layunin ng DOLE na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng Wage Orders, mas matibay na enforcement, suporta sa MSMEs, at mas mahusay na pagpaplano ng mga polisiya sa sahod.

Dahil dito, inaasahang ipatutupad na ang dagdag-sahod sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ng DOLE na magkakabisa na ang wage increase matapos makumpleto ang mga kinakailangang proseso. Makikinabang dito ang mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Inatasan ng DOLE ang mga employer na sumunod sa wage order at tiyaking maibibigay ang tamang dagdag-sahod sa kanilang mga manggagawa. Patuloy ring babantayan ng ahensya ang pagpapatupad nito sa buong NCR.

Ikinatuwa naman ni Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando ang nasabing kautusan.

“Panalo Tayo! Naglabas na po ang Department of labor and Employment ng Administrative Order no. 264 na nagsasabi na lahat ng wage order kabilang na ‘yong ilegal na sinuspinde na NCR wage order ay EPEKTIBO at EXECUTORY,” aniya.

“Ibig sabihin niyan, mga boss, kahit na illegal na naka-temporary restraining order ‘yung NCR wage order, eh dapat na po itong ipatupad ng lahat ng mga kumpanya, employer, at mga business establishments,” dagdag pa niya.

Binigyang diin pa niya na dapat na ibigay ng mga employer and nasabing dagdag-sahod mula nang ipinatupad ito noong July 25, 2026.

“Tandaan, mga boss, ang dapat na minimum wage n’yo mula no’ng July 25 ay P755 kada araw,” ani pa niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here