Home HOME BANNER STORY Pujalte out, Dr. Mercado in bilang kalihim ng DOH – Malakanyang

Pujalte out, Dr. Mercado in bilang kalihim ng DOH – Malakanyang

6
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Malakanyang na itinalaga ngayong araw ng Lunes, Agosto 10, ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dr. Edwin Mercado bilang bagong kalihim ng Department of Health.

Si Dr. Mercado ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay kasalukuyang Acting President and Chief Executive Officer ng PhilHealth.

Itinalaga sa PhilHealth si Dr. Mercado noong February 2025.

Bago pa naging Kalihim ng DOH, nagsilbing medical director si Dr. Mercado sa Daniel Mercado Medical Center noong 1998 hanggang 2000. At nagsilbing president and CEO ng iba’t ibang hospital mula noong year 2000 hanggang 2016.

Nagtapos si Dr. Mercado ng Medicine sa University of the Philippines. Nagtapos ng Master of Medical Science in Global Health Delivery sa Harvard Medical School noong 2023 at mayroon din siyang Executive Master’s Degree in Healthcare Administration mula sa University of North Carolina sa US.

Papalitan ni Dr. Mercado si outgoing DOH Secretary Jose Pujalte Jr.

Samantala, papalit naman kay Dr. Mercado sa PhilHealth bilang acting president and chief executive officer si Dr. Beverly Lorraine C. Ho, na kasalukuyang chief health officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc.

Bago ang kanyang appointment sa PhilHealth, nagsilbi rin sa DOH si Dr. Ho bilang assistant secretary noong January 2023 hanggang January 2024 at undersecretary mula July 2022 hanggang December 2022. Nagsilbi rin deputy spokesperson si Dr. Ho ng DOH mula March 2020 hanggang December 2023.

Kusang nagbitiw sa puwesto si Pujlate at hindi siya sinipa sa posusyon ni Pangulong Marcos. Ang pag-alis ni Pujalte sa posisyon ay dahil sa kalusugan nito.

Sa ngayon ay hindi pa masagot ni Castro kung ang tunay na dahilan ng pag-alis sa puwesto ni Pujalte ay dahil sa alegasyon na sangkot siya sa pagsusugal.

At sa tanong kung kinokonsidera ng gobyerno na ituloy ang imbestigasyon sa alegasyon laban kay Pujalte, ang tugon ni Castro ay “Kung ito naman po ay nakasampana po sa Ombudsman, nasa kamay na po ng Ombudsman ang pag-iimbestiga kung ano man po ang nai-reklamo laban kay dating Secretary Pujalte.”

Samantala, ang marching order ng Pangulo kay Dr. mercado ay “Ganun pa rin po, dahil ang nais po ng Pangulo ay unahin ang kapakanan ng ating mga kababayan pagdating po sa kanilang kalusugan. At hindi naman din po bago si Dr. Mercado dahil siya rin po ang tumayo na President and CEO ng PhilHealth. So, alam po ni Dr. Mercado ang gusto at nais ng Pangulo para sa ating mga kababayan.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here