Home METRO Katas, dumi ng tao, hayop humahalo sa tubig baha

Katas, dumi ng tao, hayop humahalo sa tubig baha

2
0

BULACAN, Philippines – Problemado ngayon ang maraming residenteng nasa mababang lugar sa lalawigang ito dahil sa ilang araw na paglubog ng mga poso negro ng mga palikuran dulot ng baha.

Sa ulat at ayon na rin sa Facebook post ng ilang Bulakenyong residente ng Brgy. Matungao, Bulakan, nitong Linggo,August 9, ilang araw ng hindi magamit ang kanilang palikuran dahil barado ito dulot ng baha.

“Sa ika-apat na pagkakataon, saan po puwede maki-¥@e,” anang isang amang lubog sa baha ang palikuran sa nasabing lugar.

“Wan, tu, tri, kanya-kanyang hagis na lang ng €b@k,” ang Facebook post ng isang binata, subalit agad itong pinayuhan ng kapitbahay na netizen na huwag gawin dahil baka sa kanilang gate pumasok.

May ilang apektadong residente rin sa baha ang napagalamang nagbawas na lamang sa mga bisita (simbahan), mga kakilalang may bahay na hindi binaha at sa mga itinakdang evacution center.

Kaugnay nito, mas lumalim ngayong Lunes ng umaga nang magsalubong muli ang 4.6 feet high tide at buhos ng ulan mula sa pinalakas na Habagat kaya tiyak lubog ang mga poso negro at posibleng humalo ang katas nito sa baha.

Nabatid na bukas ay lulusob bandang 7:48 ng umaga ang nasa 4.9 feet high tide habang gayundin sa Miyerkules at Huwebes ng umaga na ipinagdadasal ng mga residente sa baybayin at mababang lugar na huwag sabayan ng malakas na ulan.

Kaugnay nito, maraming mababang lugar ang mas lubog ngayon sa bayan ng Calumpit, Hagonoy, Paombong, Malolos, Guiguinto, Bulakan, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan, Obando at iba pang bayan na nakitaan na rin ng mga bangka (improvised ba bangka) sa kalsada bilang pangunahing sasakyan.

Sinusulat ito, pinalalahanan ng kinauukulan ang mga residente na kung maari ay huwag lumusong sa baha lalo na kung may sugat upang makaiwas sa Leptospirosis na isang seryosong impeksyon mula sa Leptospira mula sa tubig-baha na may ihi ng daga at iba pang hayop. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here