Home METRO 2 binatilyo nalunod sa ilog, patay

2 binatilyo nalunod sa ilog, patay

1
0

ENRILE, Cagayan – Nalunod ang dalawang binatilyo na kapwa 13-anyos sa Ilog Cagayan na sakop ng Barangay Maddarulug Norte, Enrile, Cagayan ngayong Lunes, Agosto 10, 2026.

Kinilala ang mga biktima na sina Jhony Baquiran, mula sa Brgy. Maddarulug Sur at Gian Agpalasin na mula naman sa Brgy. San Roque sa nasabing bayan.

Ayon kay Don Erickson Orje, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Enrile, pasado alas onse kaninang umaga nang makarating sa kanilang tanggapan ang impormasyon na nalunod ang dalawang binatilyo na agad naman nilang nirespondehan.

Pasado ala-una ngayon hapon ay nahanap ang katawan ng isang biktima na si Baquiran at agad na dinala sa pagamutan habang ang isa pang biktima ay kasalukuyan pang hinahanap.

Inaalam pa ng otoridad kung ano dahilan ng kanilang pagkalunod ng dalawang binatilyo. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here