Home METRO Junkshop nilooban ng 2 kawatan; 1 arestado

Junkshop nilooban ng 2 kawatan; 1 arestado

1
0

BATANGAS, Philippines – Sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan dulot ng Habagat ay hindi umano alintana ito ng dalawang kawatan, matapos na sapilitang pasukin para pagnakawan ang isang junkshop na humigit kumulang sa Php 100K ang natangay, kagabi sa Barangay Aplaya, Bauan, Batangas.

Isa sa dalawang suspek ang naaresto na nakilala sa alyas Justin 20, nasa hustong gulang, samantalang patuloy na tinutugis ang nakatakas ang kasama  nito na si alyas Jericho, nasa hustong gulang, pawang  residente ng Barangay New Danglayan ng nabanggit na lalawigan.

Base sa inisyal na report na isinumite sa tanggapan ni  PBGen. Dominic L. Baccay Regional Director ng PRO4 CALABARZON dakong alas 7:00 kagabi ng pasukin ng mga suspek ang junkshop na pag- aari ng isang nagngangalang alyas Ramil kung saan tinangay ang Samsung S22 Ultra Smartphone, nanagkakahalaga ng Php 72k , Drill with Charger worth Php 18k, at Pencil Grinder na halagang Php 6,000 pesos.

Napag-alaman na ang dalawang suspek ay umakyat umano sa  bakod ng junkshop para mabuksan ang lock ng  pintuan kung saan pinasok ng mga suspek ang opisina ng nasabing establisimyento.

Nabatid sa ulat na nakita umano ito ng may- ari  ang mga suspek na kaagad na tumawag ng pulis na  humantong sa pagkaaresto kay alyas Justine ( suspek) kung mabilis na nakatakas ang suspek na si alyas Jericho sa pamamagitan ng pagakyat muli sa bakod patungo sa hindi matukoy na direksyon. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here