MANILA, Philippines – Patuloy pa rin sa pag-apaw ang La Mesa Dam matapos nitong maabot ang spilling level bunsod ng malalakas na pag-ulan dala ng Habagat.
Sa Hydrological Dam Situationer na inilabas ng PAGASA nitong Martes ng umaga, Agosto 11, ay nasa 80.20 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam.
Ito ay mas mataas ng 0.5 metro sa overflow elevation nitong 80.15 metro.
Dahil dito ay inaasahang dadaloy ang sobrang tubig sa La Mesa Dam patungo sa Tullahan River.
Inaasahang maaapektuhan nito ang low-lying areas sa Quezon City (Fairview, Forest Hills Subd, Quirino Highway, Sta. Quiteria, at San Bartolome), Caloocan City, Valenzuela, Malabon at Navotas. RNT/JGC