MANILA, Philippines – Apektado pa rin ng Habagat ang Luzon ngayong Martes, Agosto 11.
Ayon sa PAGASA, ang Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro ay makararanas pa rin ng occasional rains dahil sa Habagat.
Ang Metro Manila, CALABARZON, Pangasinan, Benguet, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, at Camarines Norte ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa kaparehong weather system.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa Habagat, habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil naman sa localized thunderstorm. RNT/JGC