Home NATIONWIDE Mas malaking pondo sa ‘Walang Gutom Program,’ isasabatas ni Pangilinan

Mas malaking pondo sa ‘Walang Gutom Program,’ isasabatas ni Pangilinan

2
0

MANILA, Philippines – Gustong isa-institutionalize ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa isang panukalang batas para “Walang Gutom Program” upang maging “more coherent and durable national response” laban sa gutom, food insecurity, at malnutrition.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na nakatakda sa Senate Bill No. 2379 na kikilalanin bilang “Walang Gutom Act of 2026,” na inihain nitong August 4 upang makalikha ng “more durable legal basis” para sa Walang Gutom Program, na nakasandig sa pagpapalabas ng executive at administrative issuance sa halip na aktuwal na pagsasabatas.

Ayon kay Pangilinan, na kinilalal ng panukala ang gutom na hindi lamang simpleng problema sa loob ng tahanan kundi isang pambansang isyu na kailangan ng isang whole-of-government response.

“Kahit anong progreso at tagumpay ang matamasa natin in terms of economic figures, wala itong kwenta kapag gutom ang ating mga kababayan, lalo na ang mga kabataan sa eskwelahan. Hindi pwedeng umasenso ang isang bansa nang may naiiwang mga kababayang kumakalam ang sikmura,” aniya.

Aniya, kapag naisabatas ang programa, malaki ang maitutulong nito upang matiyak na may tulong sa pamilyang kapos sa pagkain na hindi nakadepende sa short-term o temporary interventions.

“Hindi dapat paiba-iba ang tulong depende sa programa o sa kung sino ang nakaupo. Kailangan natin ng isang matatag at tuloy-tuloy na sistema para matiyak na may pagkain ang bawat pamilyang nangangailangan,” aniya.

Nakatakda sa panukala ni Pangilinan, magbibigay ang Walang Gutom program ng targeted food assistance sa mahihina at food-insecure households habang pinalalakas ang ugnayan sa local agricultural at fisheries producers.

“The program can serve a dual purpose: putting food on the tables of Filipino families who need it most while ensuring that government support also reaches the farmers and fisherfolk who produce the country’s food,” aniya.

May probisyon din sa panukala na dapat nakakabit ang Walang Gutom Program sa mahahalagang programa ng Department of Agriculture (DA), tualdng Kadiwa outlets at food-for-school programs.

“It provides for agriculture and supply chain linkages that will source food directly from local farmers and fisherfolk,” aniya.

“Walang dapat maiwan sa pag-unlad. Walang dapat nagtitiis ng gutom. Our success as a country should be measured by how we can uplift ordinary Filipinos—by making sure that they have food on the table, they have decent livelihood, and they have opportunities to succeed,” ayon sa senador.

“Kung talagang gusto nating maging makatarungan at progresibong lipunan, dapat walang lugar ang gutom sa Pilipinas,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here