Home TOP STORIES Bilang ng nasawi sa lindol sa Venezuela umabot na sa 6,301

Bilang ng nasawi sa lindol sa Venezuela umabot na sa 6,301

3
0

CARACAS, Venezuela – Umabot na sa 6,301 ang bilang ng mga nasawi sa magkasunod na lindol sa Venezuela noong Hunyo, ayon sa pinakabagong ulat ng pamahalaan.

Inanunsyo ni National Assembly chief Jorge Rodriguez ang bagong bilang ng mga namatay. Noong Agosto 3, nasa 6,125 pa ang naitalang nasawi.

Patuloy pa ring naghahanap ang mga rescue team at mga pamilya ng mga biktima sa mga guho ng mga gusali. Hindi pa rin inihahayag ng pamahalaan kung ilan ang nawawala matapos ang 7.2 at 7.5 magnitude na lindol na sumira sa humigit-kumulang 190 gusali.

Ayon kay La Guaira Governor Jose Alejandro Teran, humigit-kumulang 1,400 katao pa ang nawawala. Tinatayang 24,000 residente ang nawalan ng tirahan at marami sa kanila ang nananatili sa mga pansamantalang evacuation camp.

Noong Lunes, isang 7.4 magnitude na lindol din ang tumama sa karatig na Colombia, na nagpaalala sa maraming Venezuelan ng kanilang naranasang trahedya.

Sa pinakahuling ulat ni Colombian President Abelardo de la Espriella, umabot na sa 111 ang namatay at 87 ang nasugatan sa lindol sa Colombia. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here