Home NATIONWIDE P8.3M ketamine, nasamsam sa bunny figurine mula France

P8.3M ketamine, nasamsam sa bunny figurine mula France

3
0

CLARK, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID) ang isang resin bunny figurine na umano’y naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga mula sa France.

Ayon sa BOC, tinatayang 1,675 gramo ng hinihinalang ketamine ang nakumpiska sa loob ng naturang figurine, na may tinatayang halaga na ₱8.375 milyon.

Nadiskubre ang kontrabando sa isang warehouse na nasa ilalim ng BOC–Port of Clark, kasunod ng natanggap na derogatory report mula sa PDEA hinggil sa naturang shipment.

Agad na nagsagawa ng pagsusuri ang mga awtoridad matapos matukoy ang kahina-hinalang laman ng resin figurine na ipinadala mula France.

Sa ngayon, patuloy pang isinasailalim sa masusing pagsusuri ang shipment upang matukoy ang kabuuang detalye at mapatunayan ang laman nito. Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang iba pang impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ayon sa BOC, maglalabas ng karagdagang detalye kapag nakumpleto na ang pagsusuri sa shipment at makumpirma ang mga impormasyon kaugnay ng nakumpiskang hinihinalang ketamine. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here