Home METRO P6.6M marijuana winasak sa Kalinga

P6.6M marijuana winasak sa Kalinga

2
0

KALINGA, Philippines – Nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P6,600,000.00 ang mga fully grown na  marijuana plants na pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad mula sa nadiskubre nilang taniman ng marijuana sa Barangay Buscalan, Tinglayan ng lalawigang ito.

Base sa inilabas na press release ng PDEA-CAR, nadiskubre ang humigit-kumulang sa 3,000 square meters na taniman ng marijuana matapos magsagawa  ang mga awtoridad ng dalawang araw  (August 9 at 10) na marijuana eradication operation sa naturang lugar.

Ang operating team ay binubuo ng mga personnel ng PDEA-CAR Apayao Provincial Office, PDEA-CAR Kalinga Provincial Office, Regional Intelligence Unit 14 (RIU-14), PNP Drug Enforcement Group (DEG), at Tinglayan Municipal Police Station.

Nasa 33,000 na fully grown marijuana plants ang pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad.

Walang naaresto ang mga awtoridad na  marijuana cultivator mula sa nadiskubreng taniman ng marijuana. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here