Home METRO Kelot utas sa metal post

Kelot utas sa metal post

3
0

ILOCOS SUR, Philippines – Hindi nakaligtas ang isang lalaki matapos  bumangga sa metal post, concrete fence at sa isang puno ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. San Nicolas, San Esteban ng lalawigang ito nito Lunes ng gabi, Agosto 10.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng San Esteban MPS kung sino ang biktima at kung taga-saan ito.

Ang biktima ay nakasuot ng kulay black jacket at short pant.

Base sa mga witness na nakausap ng mga rumespondeng PNP personnel, ang biktima ay nakasakay ng kulay gray/yellow na Yamaha Sniper 155 motorcycle ay bumibiyahe sa national highway patungong hilaga.

Pagdating nito sa palikong bahagi ng highway, na-overshoot umano ang driver hanggang sa bumangga sa metal post, concrete fence at sa puno ang kanyang motorsiklo.

Resulta nito, nagtamo ng multiple injuries ang biktima.

Ang biktima ay isinugod sa Ilocos Sur District Hospital  (ISDH) sa Narvacan, Ilocos Sur.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here