Home NATIONWIDE Higit 8,000 katao nasagip at natulungan ng PCG sa mga lugar na...

Higit 8,000 katao nasagip at natulungan ng PCG sa mga lugar na binaha

1
0

MANILA, Philippines – Nasagip at natulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit 8,000 katao sa Romblon, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, at Pampanga habang patuloy ang epekto ng bagyong Luis, Maymay, at pinalakas na habagat.

Nagbigay rin ang PCG ng libreng sakay sa mga na-stranded na pasahero sa Cavite at Batangas.

Nag-deploy ang Department of Transportation (DOTr) ng mga tauhan mula sa SAICT, LTO, at LTFRB upang bantayan ang kalagayan ng mga kalsada at terminal, tumulong sa mga na-stranded na commuter, at suportahan ang relief at rescue operations. Naka-duty rin ang SAICT nang 24/7 sa EDSA Busway upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon.

Nagbigay rin ng libreng sakay ang iba pang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Office of the President, Department of Energy, Department of Environment and Natural Resources, Department of Public Works and Highways, Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Economy, Planning, and Development, Department of Labor and Employment, Philippine National Police, Philippine Ports Authority, LTFRB, at LTO.

Pinasalamatan ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang mga tauhan ng DOTr sa patuloy nilang serbisyo sa kabila ng masamang panahon.

Ayon sa kanya, “Muling ipinakita ng ating mga personnel mula sa SAICT, LTO, LTFRB, PCG at iba pang DOTr frontliners kung ano ang ibig sabihin ng paglilingkod ng higit pa sa tawag ng tungkulin (Our personnel from SAICT, LTO, LTFRB, PCG, and other DOTr frontliners have once again shown what it means to serve beyond the call of duty).”

Sinabi ng DOTr na patuloy nitong babantayan ang lagay ng panahon at makikipag-ugnayan sa iba pang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter at mga tauhan nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here