Home NATIONWIDE Panukalang magpapaantala sa 2026 BSKE hahamunin ni Macalintal

Panukalang magpapaantala sa 2026 BSKE hahamunin ni Macalintal

1
0

MANILA, Philippines – Hahamunin ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal ang inilarawan niya bilang tangkang i-dealy ang right to suffrage ng mga Filipino sa panukalang palawigin ang termino ng mga barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) official na magpapaliban sa eleksyong itinakda ngayong taon.

Ito ay kasunod ng panukalang inihain ni Senador Francis Escudero na naglalayong palawigin ang termino ng mga barangay at SK official ng limang taon.

Kung maisasabatas, maililipat ang eleksyon na itinakda sana sa Nobyembre 2, 2026 sa Nobyembre 2028 o kada limang taon matapos nito.

Naghain din ng kaparehong panukala sa ilalim ng House Bill No. 10591 si Rep. Javier Miguel Benitez at 63 iba pang mambabatas na naglalayong i-postpone ang November 2026 election sa huling Lunes ng Nobyembre 2028.

Tinukoy dito ang krisis sa Middle East, inflation at logistical disruptions na banta umano upang maisagawa ang ligtas na eleksyon.

“This continuous cycle of delaying local elections is a blatant violation of our constitutional right of suffrage, engineered by politicians who want to choose our leaders for us rather than letting the people decide,” saad sa pahayag ni Macalintal.

Pinuna rin ni Macalintal ang panukalang ipagpaliban ang eleksyon gayong ang Commission on Elections (Comelec) ay gumastos na ng P8 bilyon sa P19 bilyong badyet para sa eleksyon.

Aniya, ang mga pondong ito ay nasayang na lamang dahil sa proposal.

Ipinunto rin ng abogado na ang postponement ng eleksyon sa likod ng pag-ayos ng termino g mga opisyal ay labag sa Konstitusyon.

“We will surely challenge, again and again, any immoral and unlawful attempt to trample upon our people’s right of suffrage. This regular, periodic election is being delayed under a flimsy disguise—falsely labeled as merely “fixing the term of office,” even though they just recently set the term,” aniya.

“What is the difference between “fixing” and “setting” a term, if not a clear attempt to fool a public they think is gullible? Para sa ating mga mambabatas na susuporta sa panukalang ito, hindi po kami tanga,” dagdag pa nito.

Bigo ring makatugon ang panukala na ipagpaliban ang eleksyon sa guidelines ng Korte Suprema sa ilalim ng Macalintal vs. Comelec, kung saan “a valid postponement requires absolute necessity or a legitimate government interest, neither of which exists here.”

Si Macalintal ang isa sa mga petitioner ng consolidated petitions na naunang pinagbigyan ng SC at idineklarang ang postponement ng 2022 BSKE ay “unconstitutional.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here