Home NATIONWIDE Planong pagtanggal ng ERC sa 12% VAT sa System Loss, pinuri ni...

Planong pagtanggal ng ERC sa 12% VAT sa System Loss, pinuri ni Quimbo

3
0

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ni House Committee on Ways and Means Chairman at Marikina Rep. Miro Quimbo ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa panukala nitong alisin ang 12 percent value-added tax (VAT) sa system loss charges, na magbibigay ng agarang ginhawa sa mga sumisingil at nagbabayad ng kuryente sa buong bansa.

Ayon kay Quimbo, maganda at kapaki-pakinabang ang inisyatiba ng ERC na resulta din ng  tuloy-tuloy na konsultasyon sa pagitan ng Kongreso at ng ERC.

Sa ilalim ng draft resolution ng ERC, hindi na isasama ang system loss charges sa taxable gross receipts ng mga generation company at ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Iinaatas din sa mga distribution utility na malinaw na ihiwalay at itala ang system loss sa bill ng mga customer bilang government-mandated pass-through charge, at hindi bilang pambayad sa totoong nakonsumong kuryente.

“This is government working together to remove costs from electricity bills wherever we can. At a time when every peso matters, even seemingly small reductions can provide meaningful relief to Filipino households and businesses,” pahayag ni Quimbo.

Una nang inihain ni Quimbo ang House Bill No. 10602 na naglalayong alisin ang 12% VAT sa system loss charges.

Iginiit ni  Quimbo na walang dahilan para patawan ng buwis ang kuryenteng hindi naman naisalin o ginamit ng mga residente at negosyo.

Sa ilalim ng panukala ng ERC ay agad na maaalis ang VAT kapag naisapinal ang resolusyon at isapinal ng  Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbawas ng tax. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here