Home NATIONWIDE Paglilinis sa Diokno pumping station sa Pasay, personal ininspeksyon ni PBBM

Paglilinis sa Diokno pumping station sa Pasay, personal ininspeksyon ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Personal na ininspeksyon ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagpapatuloy na clearing at waste collection operations sa Diokno Pumping Station sa Pasay City upang matiyak ang mabilis na pagtanggal ng mga basura at debris na nakahahadlang sa daloy ng tubig.

Bahagi ito ng patuloy na flood mitigation efforts ng pamahalaan sa Metro Manila, kabilang ang dredging, desilting, at declogging ng mga daluyan ng tubig sa ilalim ng Oplan Kontra Baha. Isinasagawa rin ang rehabilitasyon at pag-upgrade sa Diokno Pumping Station upang madagdagan ang pumping capacity nito at matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon.

Binigyang-diin ng Pangulo na kailangan ang sama-samang pagkilos upang maging epektibo ang mga hakbang kontra baha. Mahalaga ang responsableng pagtatapon ng basura upang mapanatiling malinis at walang bara ang mga estero, ilog, at drainage system.

Mula sa regular na paglilinis at maintenance hanggang sa pagpapalakas ng mga pumping station at iba pang flood mitigation infrastructure, patuloy ang pamahalaan sa mga hakbang upang mapabilis ang paghupa ng baha, mabawasan ang panganib sa mga komunidad, at maging mas ligtas ang mga residente at motorista. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here