Home NATIONWIDE Post-disaster recovery sa mga lugar na hagip ng bagyo, pinalakas ng PNP

Post-disaster recovery sa mga lugar na hagip ng bagyo, pinalakas ng PNP

1
0
via Philippine National Police FB Page

MANILA, Philippines – Pinalakas ng Philippine National Police (PNP) ang post-disaster recovery efforts matapos ang pananalasa ng Tropical Cyclones Luis at Maymay at ng habagat.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan ang mga yunit ng pulisya sa mga apektadong lugar na panatilihin ang mataas na presensya ng pulis at makipag-ugnayan nang mabuti sa mga lokal na pamahalaan habang ibinabalik ang normal na pamumuhay sa mga komunidad.

Iniulat ng PNP na umabot na sa 26 ang nasawi sa mga insidenteng may kaugnayan sa masamang panahon hanggang Martes ng hapon, kabilang ang 25 sibilyan at isang pulis.

Ayon kay Nartatez, “Our responsibility does not end with search and rescue operations. We will remain engaged in the recovery phase by maintaining security, supporting relief efforts, and helping communities recover from the effects of the disaster,” alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang tuloy-tuloy na ayuda at seguridad sa mga apektadong komunidad.

Sinabi rin niya na mananatili ang presensya ng pulisya sa mga apektadong lugar habang ibinabalik ang mga evacuee sa ligtas na tahanan at ipinagpapatuloy ang mahahalagang serbisyo.

Dagdag pa niya, “The PNP will continue to work closely with local governments and other agencies to restore peace and order, secure affected communities, assist in relief and recovery operations, and ensure that our people can safely return to their homes.”

Inatasan din ang mga lokal na police commander na makipag-ugnayan sa mga LGU para sa ligtas na pagbabalik ng mga evacuee at pagpapanumbalik ng normal na gawain sa mga komunidad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here