Home NATIONWIDE Fraud audit vs VP Sara sa secret funds, posibleng ikasa ng COA

Fraud audit vs VP Sara sa secret funds, posibleng ikasa ng COA

1
0
CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Kasalukuyang pinag-aaralan ng Commission on Audit (COA) na maglunsad ng fraud audit sa multi-milyong confidential funds laban kay Vice President Sara Duterte matapos matuklasan ang kakaibang “recipient” ng pondo.

Sa kanyang pagtatanong sa testigo ng COA, sinabi ni Senador Bam Aquino na naging kadahilanan kung bakit nagbigay ng Notice of Disallowance (ND) sa P73 milyong confidential funds sa OVP dahil may “weird names” na tumanggap ng pondo.

Kabilang sa tumanggap ng pondo mula sa OVP ang pangalan na Piatos, Keso, Heart, Kamote  at Pampano na itinuturing ng ilang na kakaiba dahil walang ganitong pangalan sa Pilipinas na kahit suriin sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“Pero nakita po ninyo na may mga pangalan na kakaiba. May piattos, may bacon, heart, keso at kung ano-ano. Hindi niyo po naisip na baka red flag po ito?,” tanong ni Aquino.

Sinabi ni del Campo na nag-audit ang ahensiya sa secret funds ng OVP para sa compliance at hindi na sinuri ang pagkakakilanlan ng tumanggap dulot ng certification under oath mula kay Duterte.

“Hindi niyo vinerify, pero nung nakikita ninyo o nung nakikita mo, hindi mo ba naisip na posibleng red flag itong mga pangalan ‘to? Tanong ni Aquino.

“ We presume po kasi regularity kasi po merong certification under oath iyong SD on this was used for the confidential operations of the agency and these are necessary and for legal purpose po iyong naging paggastos nung confidential fund,” tugon ni del Campo.

Ngunit, sinabi ni Aquino na komonsulta ang kanyang abogado kay dating COA Commissioner Heidi Mendoza hinggil sa kakaibang pangalan nang tumanggap ng pondo.

“Sabi niya (Mendoza), kapag may mga kakaibang pangalan, the COA can trigger an investigation because of fraud. So hindi niyo po ginawa iyon, ‘no? Walang usapin ng investigation because of fraud,” ayon kay Aquino.

Tugon ni del Campo: “Pinag-aaralan ang posibilidad na magkaroon ng fraud audit sanhi ng mga isinumiteng pangalan ni Duterte na pawang tumanggap ng secret funds.

“Pinag-aaralan pa kasi kung, uh, magpo-fraud audit po, this is the 1st time and iyong documents po, iyong transactions involving the OVP and DepEd po, contains voluminous documents na with sensitive information na ‘pag naibigay po sa ibang opisina, baka po, magiging exposed,” ayon kay del Campo.

“Okay. So ulitin ko ha. So hindi kayo nag-trigger ng investigation of fraud or nag-trigger kayo? Tanong ulit ni Aquino.

“Wala pa po. Pinag-aaralan pa po with the chairperson,” tugon ni del Campo.

Dahil dito, ayon kay Aquino, malaki ang posibilidad na magkaroon ng fraud audit sa confidential funds ni Duterte sanhi ng mga kakaibang pangalan ng tumanggap na hindi pangkaraniwang pangalan ng Filipino.

“Pinag-aaralan. So it’s possible na magkaroon pa ng investigation due to fraud?”

Tugon ni del Campo: “Opo. Gaya nga po ng sinasabi ko, pinag-aaralan pa lang po at kung kinakailangan po, pwede pong mag-fraud audit.”

Giit pa ni del Campo na kapag tumanggap ng pondo mula sa secret funds, dapat may totoong tao na nakatanggap at nagamit sa tamang confidential expenses ang pondo.

“Doon po sa joint circular, silent po kasi ang joint circular as to the use of alias po. Pero ang binabantayan po dito is dapat naibigay po ito sa totoong tao at nagamit sa tamang confidential expenses,” giit ni del Campo.   Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here