Home NATIONWIDE Lokasyon para sa waste-to-energy facilities, pinag-aaralan ng gobyerno – PBBM

Lokasyon para sa waste-to-energy facilities, pinag-aaralan ng gobyerno – PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Tinitingnan ng gobyerno ang posibleng facility sites para sa waste-to-energy project.

Ito’y matapos na personal na inspeksyunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang clearing operations sa kahabaan ng Baclaran River sa Parañaque City, araw ng Martes, Agosto 12.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang waste-to-energy project ay isa sa mga inisyatiba ng administrasyon para tugunan ang lumalaking dami ng basura sa landfills.

“Imbes na dadalhin sa landfill, dadalhin na lang sa waste-to-energy plant. So, tinitignan natin yung location para naman hindi masyadong malaki ang bayaran ng LGU para sa hauling,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag.

Sinabi ng Pangulo na maaaring asahan ng publiko ang developments sa posibleng proyekto sa nalalapit na panahon.

“Maybe we will be able to see it in a year, a year and a half. We’ll push it,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tinuran pa ng Pangulo na bibilhin ng Department of Energy ang power na mapo-produce ng waste-to energy facilities.

Ayon sa United States Energy Information Administration, sinusunog ng waste-to-energy plant ang mga basura para makapag-produce ng steam, na gagamitin para bigyan ng power ang electric generator turbine.

Sa ginawang pag-inspeksyon ng Pangulo sa Parañaque City, sinabi nito na ang pumping station sa kahabaan ng Baclaran River ay hindi pa nagagamit hanggang noong nakaraang taon.

“Itong pummping station, never gumana. Ngayon lang gumana ito nung last year, nung typhoon season lang last year,” ang winika ng Pangulo.

Ang clearing at waste collection operations sa kahabaan ng Baclaran River ay nagpapatuloy para makadaloy ang tubig papuntang pumping station.

Samantala, ang Redemptorist Water Chanel sa kahabaan ng Baclaran River ay naging viral kamakailan matapos na makita na naglutangan ang toneladang basura kasunod ng malakas na bugso ng ulan sa Kalakhang Maynila. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here