Home NATIONWIDE Kapangyarihan ng COA na buklatin vault ng records ng alyas na komolekta...

Kapangyarihan ng COA na buklatin vault ng records ng alyas na komolekta ng CF ni Sara– Lacson

1
0

MANILA, Philippines – May awtoridad ang Commission on Audit (COA) na siyasatin ang mga vault na naglalaman ng classified records at supporting documents kaugnay ng confidential at intelligence operations kung kinakailangan, ayon kay Senator-Judge Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules.

Binanggit ni Lacson ang Joint Memorandum Circular 2015-01 ng COA, na nagsasaad na ang classified details at supporting documents ng mga transaksyong nakatago sa vault ng isang ahensya ay maaaring siyasatin ng COA’s Intelligence and Confidential Funds Audit Unit (ICFAU) “if circumstances so demand.”

Nabanggit ni Lacson ang probisyon sa kanyang pagtatanong sa state auditor na si Xylene del Campo kung ang pagkakaroon ng maraming alias sa mga transaksyong may kinalaman sa confidential at intelligence funds ay maaaring naging sapat na dahilan upang siyasatin ang vault.

“Kung maraming aliases na nagdududa kayo, di ba natural lang, logically iisipin nyo na ma-inspection nga ang vault kung totoong tao ang nasa likod ng aliases?” aniya.

Sa ilalim ng Paragraph 4.15.2 ng joint circular, ang mga gastusing may kaugnayan sa intelligence at/o confidential operations ng isang ahensya, gayundin ang mga supporting documents at aktibidad kaugnay nito, ay kailangang suportado ng mga kinakailangang dokumento. Para sa intelligence funds, ang documentary evidence of payment ay itinatago sa isang sealed envelope sa vault sa tanggapan ng Special Disbursing Officer (SDO).

Tinutukoy naman ng Paragraph 4.15.3 na ang mga detalye at supporting documents ng classified transactions ay nasa kustodiya ng ahensya at itinatago sa vault nito, “which may be inspected by ICFAU if circumstances so demand.”

“Hindi ba demand ng circumstances that you inspect the vault kasi ang daming aliases?” ani Lacson.

Itinuro rin ni Lacson ang posibleng forensic benefit ng naturang pagsisiyasat, dahil maaaring makakuha ng specimen signatures mula sa mga record at maikumpara ang mga ito sa mga kilalang specimen signature upang matukoy kung tunay o peke ang mga lagda.

Sa panayam sa DZBB radio nitong nakaraang Linggo, sinabi ni Lacson na maaaring nakatulong nang malaki ang pagsisiyasat sa vault upang umusad ang pag-alam sa mga pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod ng mga alias.

“Sana kung ginawa nila yan malayo sana narating nila,” aniya.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here