UNITED STATES – Nagkasundo ang US at Iran na palawigin ang 60-day ceasefire sa ilalim ng Islamabad Memorandum of Understanding bago mapaso ang kasunduan sa Agosto 17, ayon sa mga source sa Pakistani government.
“Both sides have conveyed their consent to the mediators to extend the deadline,” sinabi ng isang source na malapit sa mediation process.
“However, the two sides are exchanging messages to decide on the extension period,” dagdag pa.
Noong Abril ay nagkasundo ang US at Iran sa ceasrfire at pumirma ng memorandum of understanding noong Hunyo 17.
Sa kabila nito ay nabalahaw ang usapan at muling sumiklab ang serye ng mga kaguluhan sa Middle East. RNT/JGC