Home OPINION PANAWAGAN: IPAGPATULOY MAGAGANDANG BENEPISYONG NASIMULAN NI DR MERCADO

PANAWAGAN: IPAGPATULOY MAGAGANDANG BENEPISYONG NASIMULAN NI DR MERCADO

4
0

KASABAY ng pag-upo ni Dr. Beverly Lorraine Ho bilang bagong President at Chief Executive Officer (PCEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), inaasahan ang pagpapatuloy sa mga magagandang reporma at benepisyong nasimulan ng nagdaang pamunuan ni Dr. Edwin Mercado.

Kasabay ng pagpapalawak sa mga benepisyo ng mga miyembro, mahalagang prayoridad din ang patuloy na pag-alalay at mabilis na pagproseso ng reimbursement para sa mga healthcare providers, kabilang ang mga ospital, klinika, at mga doktor sa buong bansa.

Mabilis na Reimbursement sa YAKAP Providers: Susi sa Tuloy-tuloy na Serbisyo

Isang mahalagang haligi ng Universal Health Care (UHC) ang maayos na ugnayan ng PhilHealth at ng mga partner healthcare facilities. Lalo itong kritikal para sa mga YAKAP providers at gagawaran ng accreditation na maliliit na klinika, kung saan limitado lamang ang puhunan at kinakailangan ng sapat na revolving fund upang tuloy-tuloy na makabili ng mga gamot at kagamitang panggamot.

Kapag mabilis at maagap ang pagbabayad ng claims sa mga ospital at primary care clinics:

Napananatiling sapat ang revolving fund ng mga maliliit na YAKAP clinics para sa mga pondo sa gamot at diagnostic supplies;
Mas nakapagbibigay ang mga pasilidad ng tuluy-tuloy at walang-aberyang serbisyo sa mga pasyente; at
Mas maraming accredited clinics ang gaganahang makilahok at maglingkod sa ilalim ng mga programang tulad ng YAKAP at GAMOT.
Dahil dito, kapag maayos at mabilis ang ikot ng pondo patungo sa mga providers, ang mga miyembro rin ng PhilHealth ang direktang nakikinabang sa maganda at maaasahang serbisyong pangkalusugan.

Malawak na Karanasan ni Dr. Ho

Dahil sa kaniyang malawak na karanasan sa pampubliko at pampribadong sektor ng kalusugan, tulad ng kaniyang naging panunungkulan sa DOH at bilang dating Chief Health Officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc., malaki ang tiwala ng health sector sa kakayahan ni Dr. Ho.

Inaasahang ipagpapatuloy niya ang digitalization ng PhilHealth, tulad ng pagpapatatag sa eClaims at PhilHealth Check Utility (PCU), pati na rin ang pagpapatupad ng Diagnosis-Related Groups (DRG) payment system upang mas maging mabilis, patas, at transparent ang transaksyon sa pagitan ng PhilHealth, ng mga ospital at clinics, at ng publiko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here