MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Education (DepEd) na labis na nakaapekto ang kamakailan lamang na class suspensions mula sa sunod-sunod na paghagupit ng bagyo at monsoon rains sa mahigit na anim na milyong mga mag-aaral at walong libong eskuwelahan sa buong bansa.
Sa naging pagbisita ni Education Secretary Sonny Angara sa Santolan Elementary School, araw ng Miyerkules, sinabi nito sa mga mamamahayag na sa kabila nito, nananatili pa ring nakakasa ang mga hakbang upang matiyak na hindi mahahadlangan ang pag-aaral kahit pa ang mga estudyante ay hindi makagamit ng silid-aralan dahil ginagamit na evacuation centers ang mga paaralan.
“Dito sa bagong three-term school year natin, meron talagang mga panahon para to make up for the lost days,” ayon sa Kalihim.
Ang pag-aaral sa Santolan Elementary School ay nagambala ng tatlong araw, mula Agosto 9 hanggang 11, matapos na magsilbi itong evacuation center para sa mahigit na 700 pamilya kung saan ang mga bahay ay binaha sanhi ng walang tigil na pag-ulan.
Samantala, tinitingnan naman ng DepEd kung paano i-improve ang guidelines pagdating sa mga tuntunin ng suspensyon at pagpapatuloy ng klase.
“Ang issue dyan is resumption eh actually. Wala nang problema sa suspension, more or less it’s clear already eh. But we’re trying to introduce some more localized para tulad ng ginagawa sa Pasig, hindi lang si mayor nagsususpend.
Tinatanong niya yung mga eskwelahan kung kailangan ba magsuspend dun sa area nila. So mas granular siya, mas localized yung suspension,” ayon kay Angara. KRIS JOSE