Home METRO Landslide bumara sa provincial road sa San Marcelino, Zambales

Landslide bumara sa provincial road sa San Marcelino, Zambales

1
0

ZAMBALES, Philippines – Nagkaroon ng landslide sa San Marcelino, Zambales nitong Huwebes, na nagdulot ng pagbara sa isang provincial road sa hangganan ng Barangays San Rafael at Aglao dahil sa patuloy na habagat.

Ayon sa San Marcelino Public Information Office, nangyari ang pagguho sa Sitio Itanglew, kaya agad na nag-utos ang lokal na pamahalaan ng clearing operations.

Pinayuhan ang mga motorista at residente na iwasan ang hindi kinakailangang pagbiyahe sa lugar dahil maaari pang magkaroon ng panibagong landslide o paggalaw ng lupa habang nagpapatuloy ang pag-ulan.

Sa pinakahuling weather advisory ng PAGASA na inilabas 5 a.m. nitong Huwebes, inaasahang makakaranas ang Zambales ng 50 hanggang 100 millimeters ng ulan.

Nagbabala rin ang ahensya na maaaring mas malakas ang pag-ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here