Home METRO 2 kelot timbog sa buy-bust ops sa Ilocos

2 kelot timbog sa buy-bust ops sa Ilocos

4
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa Laoag City ng lalawigang ito nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 12.

Sa ipinadalang report ng Laoag City Police Station sa Police Regional Officce (PRO1), ang mga naarestong suspek ay edad 22 at 35 na naninirahan sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ikinasa ang buy-bust operation bandang alas-9:13 ng gabi na tumagal hanggang alas-11:00 ng gabi.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga personnel ng Laoag City Police Station (lead unit) sa tulong ng PDEU INPPO, PIU INPPO, RID PRO1, RIU PRO1, RDEU 1, PDEA INPO,  101st MC, RMFB1 at RID, PRO1 sa pakikipag-ugnayan nila sa PDEA RO1.

Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng siyam na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng 11.6 gramo ang narekober na hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P78,880.

Bukod sa hinihinalang shabu, may mga narekober din na mga itinuturing na non-drug evidence ang mga awtoridad.

Ginawa ang inventory at markings sa mga narekober na ebidensya sa mismong pinangyarihan ng buy-bust operation, sa harap ng mga mandatory witness at ng suspek. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here