Home NATIONWIDE Angara hihingi ng tulong sa Tupad sa pag-ayos ng mga paaralang apektado...

Angara hihingi ng tulong sa Tupad sa pag-ayos ng mga paaralang apektado ng Habagat

1
0
Bilang paghahanda sa darating na pasukan ay naglinis at nag-ayos ng mga sirang upuan ang TUPAD-Malabon sa mga silid-aralan sa Malabon National High school. EDGAR RABULAN

MANILA, Philippines – Humiling na si Education Secretary Sonny Angara sa Malakanyang na palawakin ang emergency labor support sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (Tupad) program para pabilisin ang paglilinis sa mga pampublikong paaralan na naapektuhan ng Habagat at Bagyong Maymay.

Nagpasalamat naman si Angara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Executive Secretary Ralph Recto, and Department of Labor at Employment (Dole) Secretary Francis Tolentino sa kanilang patuloy na suporta sa inter-agency convergence.

“While clearing efforts have been instrumental, the scale of the damage underscores the need for additional inter-agency assistance and resource augmentation to expedite debris removal, cleanup, and the restoration of safe and functional learning spaces,” sinabi ni Angara.

“Brigada Eskwela should not end when classes begin, because calamities can strike at any time. Through Brigada Eskwela 2.0, we are creating a year-round mechanism to help schools clean up, recover, and reopen safely right after disasters,” dagdag pa.

“Dole stands ready to work with DepEd in responding to the needs of schools affected by calamities. Through Tupad, we are not only providing temporary employment to our workers but also helping restore safe and functional learning spaces for our children,” sinabi naman ni Tolentino.

“This is the spirit of bayanihan — when government agencies come together, we are able to provide immediate assistance to both our workers and communities,” dagdag pa nito.

Ang inisyal na kolaborasyon ng DepEd at DOLE para sa Brigada Eskwela sa pagbubukas ng mga paaralan ay pinalawak mula sa inisyal na target na 5,000 pampublikong paaralan sa mahigit 9,300 sakop na institusyon sa buong bansa.

Nakaabot ang inisyatibo sa 171,000 benepisyaryo.

Nakita ng DepEd na ang expanded response na tulungan ang mga apektadong paaralan ay maaari pa ring masuportahan ng natitirang pondo sa existing P2 bilyon na Tupad allocation para sa Brigada Eskwela, kung saan nasa P1.09 bilyon ang nagamit na.

Hanggang noong Agosto 11, umabot na sa 9,096 pampublikong paaralan sa walong rehiyon ang nagpatupad ng suspensyon ng klase apektado ang mahigit 6.9 milyong mag-aaral at 293,920 personnel.

Sa initial assessments ay nakita na 3,348 klasrum ang nagtamo ng minor damage at nangangailangan ng P27 milyon para sa cleanup at clearing operations kasabay ang P161.6 milyon para sa minor repairs.

Para mapalakas ang disaster response ay ipinanukala ni Angara ang pagpapalawig sa Tupad deployment para sa clearing operations at pagsuporta sa 171 pampublikong paaralan na kasalukuyang nagsisilbing evacuation centers, para mapanatili ang kalinisan.

Inirekomenda rin niya na iayon ito sa hakbang ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) sa Cash-for-Work program para isaprayoridad ang mga magulang ng apektadong mga mag-aaral sa pgbibigay sa vulnerable families ng agarang income support habang nakatutulong sa community bayanihan para sa school restoration.

Nakikipag-ugnayan din ang DepEd sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa deployment ng heavy equipment sa large-scale debris removal sa mga matinding tinamaang lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here